Valediction sa hill crest by Rolando Tinio
Valediction sa hill crest
Pagkacollect ng Railway Express sa aking things
(Deretso na iyon sa barko while I take the plane.)
Inakyat kong muli ang N-311, at dahil dead of winter,
Nakatopcoat at galoshes akong
Nagright-turn sa N wing ng mahabang dilim
(Tunnel yatang aabot hanggang Tundo.)
Kinapa ko ang switch sa hall.
Sa isang pitik, nagshrink ang imaginary tunnel,
Nagparang ataol.
Or catacomb.
Strangely absolute ang impression
Ng hilera ng mga pintong nagpuprusisyon:
Individual identification, parang mummy cases,
De-nameplate, de-numero, de-hometown address.
Antiseptic ang atmosphere, streamlined yet.
Kung hindi catacomb, at least
E filing cabinet.
Filing, hindi naman deaths, ha.
Remembrances, oo. Yung medyo malapot
Dahil alam mo na, I’m quitting the place
After two and a half years.
After two and a half years,
Di man nagkatiyempong mag-ugat, ika nga,
Siyempre’y nagging attached, parang morning glory’ng
Mahirap mapaknit sa alambreng trellis.
At pagkabukas ko sa kuwarto,
Hubo’t hubad na ang mattresses,
Wala nang kutson sa easy chair,
Mga drawer ng bureau’y nakanganga,
Sabay-sabay nag-ooration,
Nagkahiyaan, nabara.
Of course, tuloy ang radiator sa paggaralgal:
Nasa New York na si Bob and the two Allans,
Yung mga quarterbacks across the hall
Pihadong panay ang display sa Des Moines.
Don ang Cosntance aren’t coming back at all.
Gusto ko nang magpaalam–
to whom?
The drapes? The washbowl? Sa double-decker
Na pinaikot-ikot naming ni Kandaswamy
To create space, hopeless, talagang impossible.
Of course, tuloy ang radiator sa paglagutok.
(And the stone silence,
nakakaiyak kung sumagot.)
Bueno, let’s get it over with.
It’s a long walk to the depot.
Tama na ang sophistication-sophistication.
Sa steep incline, pababa sa highway
Where all things level, sabi nga,
There’s a flurry, ang gentle-gentle.
Pagwhoosh-whoosh ng paa ko,
The snow melts right under:
Nagtutubig parang asukal,
Humuhulas,
nagsesentimental.
-Rolando Tinio
http://isaganicruz.wordpress.com/2009/03/07/rolando-tinios-valediction-sa-hillcrest/

It is really quite unique and very
ReplyDeletecreative WRITING
Goodbye is tough. Goodbye is painful. Goodbye is forever.
ReplyDeleteThIS poem, Valediction sa Hillcrest is very gloomy.
ReplyDelete